Now Playing Tracks

indiohistorian:

Jose Rizal in a dystopic Manila, asking the essential questions of how we began and what we have become as a country… it is when a people ask soul-searching questions like these that we become a real nation. This was Rizal’s dream. After 150 years, may this also be ours. 

—-

“Kaninong Anino?” (Whose Shadow?)

from the RockEd: Rock Rizal Album

Composed by Gang Badoy. Animation by Arnold Arre.

From Rock Ed Philippines and the National Historical Commission of the Philippines.

—-

May digmaan sa gitna ng amihan

Ang kalaban ay kahirapan

May digmaan sa gitna ng habagat

Ang tanda’y taong hindi makaangat

Bagamat marami nang nag-alay

Nang dugo, landas at dunong

Ang bayan daw hanggang ngayon

Naliligaw at nalilito

Ang paraan, ang sino, ang ano,

Ang sala nakanino? Sa akin? Sa iyo?

Ang kalaban lang ba natin ay anino?

Ang kalaban lang ba natin ay anino? (Anino nino?)

Nila? Natin? Ninyo? Kaninong anino? (Kanino?)

Isang daan at limampung taon

Sa isang punto lang nagkasundo

Na tayo pa rin daw ay mahirap

Kapos daw ang ginto

Ang paraan, ang sino, ang ano,

Sagot ay nakanino? Sa akin? Sa iyo?

Isang natutunan ko

Sa Ilaw lang matatalo ang anino

Ilawan, ilawan ang anino..

Humarap sa ilaw, Pilipino!

To Tumblr, Love Pixel Union